Actress Ara Mina demands a public apology from sister Cristine Reyes before she seat in a reconciliation talk with the latter. Ara confirmed that Cristine sent her a text message saying that she longs to end her rift with her older sister.
It can be recalled that last month, Ara filed libel and grave coercion charges against Cristine out of the latter's personal attacks through SMS sent on Ara (read related article here). Ara and Cristine's dispute is said to stem from a remaining balance for a house they bought for their mother.
In a statement sent by Ara Mina to PEP.ph, she wanted Cristine to go public and admit that she wronged her sister then apologize.
Here is Ara Mina's full statement sent to PEP:
Nais ko pong kumpirmahin na nag-text sa akin si
Cristine at nakikipag-ayos.
"Hindi po ako sumagot dahil hinihintay kong
aminin niya ang kanyang nagawang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin sa
kanyang mga nagawa.
“Iba ho kasi ang pinapalabas niya sa media sa
ginagawa niya. Matapos niya kong i-text ng pakikipag-ayos ay pinagsisigawan
naman niya ang Mommy namin. Yun po ba ang nagsisisi?
“Masakit ang sugat na ginawa ng kanyang mga
paninira sa akin. Siniraan niya ako sa maraming tao.
“Mali po ang ikinakalat ng kanyang kampo na ako
ang nagsa-publiko ng mga bagay na ito.
"Si Cristine ang nanira sa akin sa ibang tao.
"Ginawa ko lamang po ang tanging paraan na
nakita ko upang matigil ang ginagawa niyang paninira sa akin at upang
mabigyan siya ng leksyon kaya po ako nagsampa ng kaso.
“Sa awa po ng Diyos, tumigil na ang paninira niya
sa akin sa text. Subalit walang pagsisisi on her part at sa kanyang ginawa.
"Paano mo patatawarin ang isang taong hindi
naman umaamin na siya ay may nagawang pagkakamali?
“Mahal ko ang kapatid kong si Cristine pero kahit
mabigat sa loob ko, kailangan ko gawin ito para proteksyunan naman ang sarili
ko sa mga mapanira at mapanghamak na text nya.
“Hinihintay ko po ang public apology ni Cristine.
"Sabihin niya sa publiko na ang mga sinabi
niyang paninira sa akin ay hindi totoo. Aminin niyang siya ay nagkamali at
saka siya humingi ng tawad.
“Kapag nagawa na niya iyon, marahil ay maaari na
kaming mag-usap upang maibalik ang dati naming relasyon na siya mismo ang
sumira.
“Anumang sugat ay napaghihilom ng panahon. Subalit
ang pagpapatawad ay ibinibigay lamang sa taong nagsisisi at humihingi ng
tawad.”
|