Below is the full transcript of Vice Ganda's public apology to GMA News and Public Affairs vice president Jessica Soho who got offended by his 'rape joke'' during his Araneta Concert. Vice Ganda called Jessica Soho Wednesday morning to personally say sorry but the latter was not in a good mood, hence his apology aired over It's Showtime.
I
just wanna make things right and I wanna make this day a beautiful one and
start this right. Alam naman po natin yung mga issue ‘di ba? May mga malaking-malaking
issue na na lumalaganap ngayon.”
“May
17, 2013, naganap po ang I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta. It is a comedy
concert; it is a comedy show; it is an enlarged comedy bar show kasi naganap
po sa Araneta. After 11 days, kahapon, may mga lumabas pong issue na may mga
na-offend, may mga ibinato sa ‘king issue na meron akong nalampasang linya,
na meron akong mga sinabing hindi maganda, na meron akong mga taong sinadyang
saktan, may mga tao akong natapakan.”
“Ang
dami pong lumabas sa Twitter, sa social networking, sa news ang dami pero
hindi po ako nagsalita kasi gusto kong pag-aralan ang mga pangyayari kaya
hindi po ako nagsalita. At gusto kong i-take ang sitwasyong ito nang may
tamang pag-iisip. Ayokong gamitin ang galit para mag-react, ayokong gamitin
ang pagiging immature para makipaglaban. Gusto kong maging matalino. At kahit
matalino po ako, kahit sinasabi ng ibang tao na marunong ako; matalino ako,
merong mga taong mas matalino sa akin at mas nakakaunawa at humingi po ako ng
tulong.”
“So
tumawag po ako sa tanggapan ng ABS-CBN, tumawag po ako sa mga big bosses.
Nakipag-meeting po sa akin si Tita Cory Vidanes. Pinatawag po nila ako at
sinabi ito ang issue, ito ang kumakalat na issue ngayon. Ito po ay tungkol
kay Ms. Jessica Soho at dun sa sinasabi nilang jokes ko about rape victims;
na meron daw akong mga jokes about rape victims.”
“Tinanong
nila ako, ‘Ano ba’ng take mo rito? Ano’ng gusto mong gawin?’ Sinabi ko po sa
kanila, sa mga big bosses, na hindi ko naman po kinakailangang i-justify ang joke
ko o bigyan ko ng magandang katuwiran ang joke ko. Ang joke ay depende sa
tao, kung pa’no mo tatanggapin ang joke. Hindi lahat ng joke ay matatanggap
lahat ng tao at walang kahit isang joke na pinagtawanan ng lahat. Lahat ng
joke may taong tatawa, at lahat ng joke may taong hindi magiging pabor sa
joke na ito. Ngayon sinasabi ko na po na sinasadya man o hindi sinasadya, may
na-offend akong tao. Alam ko sa sarili ko ‘yon at tinatanggap ko. Maaaring
na-offend ko nga si Ms. Jessica Soho. Bukod kay Ms. Jessica Soho marami pa
‘kong naging karakter sa mga jokes ko. Nabanggit ko rin po ang pangalan ni
Ms. Kris Aquino, ni Mr. Boy Abunda, ni Mr. Kim Atienza, Mr. Gas Abelgas, Ms.
Pia Hontiveros, Ms. Nancy Binay, Ms. Grace Poe at marami pang iba.”
“Pero
sa pagkakataong ‘to sigurado ako na na-offend ko si Ms. Jessica Soho at
sinabi n’yang na-offend s’ya. So sabi ko tatanggapin ko ‘yon, na naka-offend
ako ng tao. At kung naka-offend ka ng tao, tanggapin mo ang pagkakamali mo at
paano mo ba ‘to matatanggap kung naka-offend ka at nagkamali ka?”
“Hindi
ko makakalimutan isa sa mga pinakasimpleng naituro sa akin ng mga magulang
ko, sinasadya mo man o hindi mo sinasadya, pag nakasakit ka humingi ka ng
patawad at paumanhin.”
“Lumaki
na po ng lumaki ang issue-ng ito. Marami na silang sinabi na kung ano’ng
sinabi ko at may mga naganap dun sa concert na ‘yon. Hindi na ako
makikipagtalo, kasi kung makikipagtalo ako hahaba lang ng hahaba. Ang salita
ko magiging laban sa salita nila, ang salita nila magiging laban sa salita ko
at hindi lang naman kami ang naglalaban-laban lahat na ng tao nagsalita na at
nagbigay na ng opinyon. Itigil na natin ‘to, itigil na natin ‘yung pagbibigay
ng opinyon lalu’t lalo pa kung hindi n’yo naman talaga alam ang nangyari at
hindi kayo nakapanood kasi magiging magulo lang ang mundo.”
“So
para po sa akin tinanong ng management, ‘Ano’ng gusto mong gawin?’ Gusto ko
pong mag-apologize kay Ms. Jessica Soho.”
“Pwede
akong mag-apologize sa Twitter, pwede akong mag-apologize sa Facebook, pwede
akong magpa-interview kung saan-saan, pwede kong gamitin ang programang ito,
ang Showtime, para mag-apologize, pero sabi ko sa ‘kin naman nagsimula at may
binitawan akong biro na naka-offend dun sa tao. Kung hihingi ako ng paumanhin
mas sinsero at mas mararamdaman n’ya ang sinseridad ko ‘pag sinabi ko sa
kanya nang personal. Kaya tinanong ulit ako ni Tita Cory, ‘Ano’ng gusto mong
gawin?’ Gusto ko pong gawing personal ang paghingi ko ng kapatawaran at ng
paumanhin. Gusto ko pong makausap si Ms. Jessica Soho. Kaya ang sabi ng
management, ‘Kung sa palagay mo ‘yan ang tama, at sa palagay din naman namin
‘yan ang tama, humingi ka ng paumanhin ng personal, tawagan mo si Ms. Jessica
Soho.”
“Buong
puso ko pong gustong humingi ng tawad. As much as possible ayokong gawing
pampubliko ito kasi ang plastik. Kung gusto mong humingi ng tawad dun ka
dumiretso sa tao; kung may gusto kang iparating dun sa tao diretsuhin mo yung
tao wag mong iparating sa kung saan-saan.”
“Kaya
tinawagan ko po karaka-raka kanina si Ms. Jessica Soho. Nag-ring ang phone.
May tumanggap sa tawag ko. Sa boses pa lang alam ko nang si Ms. Jessica Soho.
Ang sabi ko, ‘Good morning po, magandang umaga po. Pwede ko po bang makausap
si Ms. Jessica Soho?’ At sumagot sabi n’ya, ‘Sino ito? Para saan ‘to?’ Sabi
ko, ‘Ako po si Vice Ganda.’ Tapos sabi n’ya, ‘Si Jessica Soho ito. Pasensya
ka na kasi hindi maganda ang timpla ko ngayong araw na ito.’ Kaya sabi ko
naman, ‘A, okay po. So is it okay if I just call you later or tomorrow or
some other day?’ Ang sabi n’ya, ‘I don’t think so.’”
“So
sa pakiwari ko, maaring nasasaktan pa s’ya. Nasasaktan pa s’ya; nagagalit pa
s’ya. HIndi pa s’ya tapos do’n. Hindi n’ya pa ako kayang patawarin kaya hindi
ko nasabi kung ano’ng gusto kong sabihin. At kung sinabi n’yo po Ms. Jessica
Soho na you don’t think na gusto n’yo akong makausap maybe tomorrow or some
other day or later, kaya ngayon ko na lang po gagawing pampubliko ito para
makarating po sa inyo.”
“Ako
po talaga ay humihingi ng paumanhin. Humihingi po ako ng paumanhin. Opo, yun
po ay isang biro na maaaring sa inyo ay hindi magandang biro at kung hindi po
magandang biro yun at nasaktan ko po kayo talaga, humihingi ako ng paumanhin.
Patawad po. At ipinapangako ko po sa inyo hindi na kayo magiging kasama
kailanman sa anumang tema ng pagtatanghal ko. Yun lang po ang nararamdaman ko
at naiisip kong tama kong gawin para makabawi ako kung nasaktan ko po kayo.
Yoon lang po, humihingi po ako ng kapatawaran. Kung hindi n’yo po ako kayang
patawarin sa ngayon sana po balang araw mapatawad n’yo po ako dahil inuulit
ko po yun po ay isang biro lamang. Katulad po ng sinabi ko bago pa magsimula
ang konsiyerto ko, na lahat ng mangyayari dun ay biro lamang.”
“Tungkol
naman po do’n sa issue ng rape, na ginawa ko raw katatawanan ang rape nung gabing
‘yon, lahat po ng nakapanood nung gabing yun, nung nasa konsiyerto, umuwi ng
bahay nila na walang naalalang ginawa kong katatawanan ang rape. Pero hindi
ko na ulit idya-justify kung ano’ng ginawa ko, kung ano’ng ginawa kong tama o
ano’ng ginawa kong mali, hindi ko na po idya-justify. Gusto ko lang pong
klaruhin sa lahat na hindi ko po kailanman gugustuhing kutyain ang sinumang
rape victim. Wala ako pong intensyong masama na pagtawanan ang mga rape
victims. Alam ko pong seryoso ang issue tungkol sa rape kaya hindi ko po
ginawang seryoso na pagtawanan ang rape victims. Wala po akong intensyong
masama. Gayunpaman, kung meron pong nasaktan, humihingi po ako ng paumanhin.”
“At
sa mga lahat po ng nakisali na sa isang maliit na issue-ng ito na pinalaki ng
pinalaki na pinalaki na nagmukhang national issue, na nagsimula sa isang
simpleng biro. Kung hindi n’yo po nagugustuhan ang pagpapatawa ko, paumanhin
po sa inyo. Kung hindi n’yo po ako nauunawaan, paumanhin po ako sa inyo. Sa
mga nakaunawa nang mahusay sa mga biro ko, maraming-maraming salamat.”
“Ako
po ay tao, mukha lang po akong kabayo. Hindi po ako perpektong komedyante.
Alam ko po sa sarili ko, nakasisiguro ako, na hindi lahat ng jokes ko ay
nakakatawa. At wala naman pong komedyante na lahat ng joke ay nakakatawa.
Meron at merong isang taong tatayo at magsasabing, ‘Hindi naman ako natawa.’
Depende ‘yan sa kung paano mo tatanggapin.”
“Gayunpaman,
sa lahat po ng nasaktan ko, buong puso, mula sa puso ko, sinasambit ng dila
ko at lumalabas sa bibig ko ngayon, hindi lang basta idinidikta ng ibang tao
at ng utak ko, humihingi po ako ng paumanhin. Hindi ko po sinasabing hindi na
ako magkakamali. Bilang isang tao, alam kong matapos ang paumanhin na ‘to, sa
pagtahak ko sa mundo’ng ‘to, magkakamali at magkakamali ako. Kaya magkamali
man po ako, hindi po ako magdadalawang-isip tanggapin ang pagkakamali ko at
humingi ulit ng paumanhin.”
“Kaya
sana po, tapusin na natin ang issue-ng ito. Mas maganda, pinapanalangin ko na
mapatawad ako. Sa lahat ng mga nagsalita rin sa akin ng masasama, lalo na
‘yong mga hindi nakaunawa at hindi naman nakapanood at nakarinig lang, okay
lang. Hindi ako nagagalit. Kung hindi n’yo ‘ko nauunawaan, ako ang uunawa sa
inyo. Maraming salamat po.”
|