Headlines News :

Latest Post

Showing posts with label Darla Sauler. Show all posts
Showing posts with label Darla Sauler. Show all posts

Kris Aquino Dumped by Suitor Before Birthday, Valentines

Posted on February 17, 2014 | 3:35 PM

Queen of all media Kris Aquino revealed that she has been dumped by her new suitor just before Valentines Day, which is also her birthday. A "semi-brokenhearted" Kris Aquino opened up about her love life on her morning show Kris TV.

Kris Aquino brokenhearted

"Ang sad, it hurts, kasi ako ang nasabihan na 'I never want to talk to you or text you for the rest of my life.' That's life. Kung pwede ko lang talaga ma-rewind at ma-edit kung ano ang nangyari. Nasabihan ako talaga. Kina-shocked ko talaga. 'Yun din ang sinabi ko, 'Ouch, how harsh," Kris told Pokwang, who was a guest-co host on Monday.

The said episode showed Kris having a road trip to Bataan with Pokwang, actress Erich Gonzales and Kris TV head writer Darla Sauler.

"Pero at least walang lokohan... Siguro grabe din ang nasabi ko. At least inaamin ko mayroon din akong fault," Kris said talking about the said suitor without naming him. "Kagabi pinray ko talaga, 'Don't let me be bitter, God,'" she added.

Kris was somehow disappointed and irritated that the guy decided he no longer wants to see her when it's nearing her birthday, which is also Valentines day

"Sinabi ng ate ko kagabi, 'Well he had a courage to take you out and like you, so that's why malakas din ang loob niya to tell you na ayaw na niya sa iyo.' Reality. Sabi ng ate ko, 'If he doesn't like my sister he's not good enough for my sister.' Sabi ko, 'Tama, ate.'"

"Tapos sabi ko, 'Ate di man lang pinaabot sa birthday ko nakakainis. Doon ako buwisit na buwisit talaga," she added.

Kris, however, admitted that she's also at fault with what happened.

"Fault ko din naman," she said. "Kasi di ba if you won't give yourself a chance, how will you ever get a chance? I'm giving myself a chance," she said.

Kris Aquino spent her birthday weekend in Singapore and will be back Monday.

For more Kapamilya updates follow/like BIDA KAPAMILYA on Twitter and Facebook.

Slater Young and Rachelle Ann Go, Dating

Posted on December 28, 2013 | 9:58 PM

Pinoy Big Brother Unlimited big winner Slater Young confirmed that he is indeed dating singer Rachelle Ann Go. Slater admitted to ABS-CBN writer Darla Sauler that he is going out on dates with the former Kapamilya singer.

Rachelle Ann Go and Slater Young
"Oo, dating kami," Slater revealed to Darla via a text message.

Many speculated that there is something going on between Slater and Rachelle Ann when the two are frequently spotted together in several events. Both Rachelle Ann and Slater also kept on posting photos of them together in their respective Instagram account.

Recently, the two were seen together in the movie screening of Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel which also stars Sam Milby, Slater's friend and colleague from Cornerstone talent agency. When asked if he is courting Rachelle, Slater said:

"Malayo siya, eh. Papaalis..."

Rachelle Ann Go will be leaving for London in March 2014 for the West End revival of the hit musical Miss Saigon where she was chosen to play the role of Vietnamese bar girl Gigi Van Tranh, previously played by Isay Alvarez.



Slater Young's love life was never put into spotlight prior to PBB while he was linked to openly lesbian housemate Divine inside the house. On the other hand, Rachelle Ann Go's publicized relationships include that with Christian Bautista and John Prats.

Photo courtesy of Rachelle Ann Go; Video courtesy of Slater Young [via IG]
For more Kapamilya updates follow/like BIDA KAPAMILYA on Twitter and Facebook.

Charice Admits She's Tomboy | The Buzz Interview (June 2, 2013) Full Transcript

Posted on June 2, 2013 | 10:24 AM

International singing sensation Charice admitted in an exclusive The Buzz interview airing Sunday, June 2 that she's a lesbian. When host Boy Abunda asked her is she's a lesbian, Charice responded, "Opo tomboy po ako."

Charice admits she's a lesbian on The Buzz [Photo courtesy of Darla Sauler at darlasauler.com]
Photo credit: darlasauler.com
A transcript of Charice's The Buzz tell-all interview was posted by darlasauler.com and the photo of Charice  with "I Love Darla" sign instead of "Darla is ABS-CBN's Prettiest" just means she's considered as one of the boys. Check the full transcript below:


BOY Everybody is talking about you... Dito tayo mag umpisa bakit ka naging mailap sa media?

CHARICE Ako pag may mga big issues na lumalabas, siyempre tao pa rin ako natatakot ako. Sobrang maingat po ako na parang di ko alam kung anong dapat kong sabihin para maging neutral lang ang maging reaksyon ng mga tao. Kasi ayoko po na bigla na lang ako magsasalita tapos lahat negative, binigyan ko po yung sarili ko ng break na mag-isip kung ano ba yung dapat kong gawin, kung ano ba yung next step na kailangan kong gawin para maging better lahat ng situation kaya po ko nakaharap po sa inyo ngayon.

BOY Why are you breaking your silence now? Bakit ka nagsasalita ngayon?

CHARICE Andami ko pong hininging sign, totoo po pala yung pag nafeel mo po... Sa ilang taon ko rin po na parang madami po akong ginawa para sa mga tao na mahal ko, sa mga pamilya ko, ginawa ko po para sa kanila, ngayon ko po talaga nafeel na this time gusto ko naman gawin para sa sarili ko

BOY Ito yung mga signs na iyon, yung mga signs na pinanggalingan kung bakit magkaharap tayo ngayon

CHARICE Opo.

BOY Umpisahan natin ang pag-uusap sa iyong pamilya... Diretsa, ikaw ba at ang iyong mommy, si Mommy Racquel magkagalit?

CHARICE Opo nag-away kami ni mommy. Kailangan ko po siyang intindihin kasi kung nasaktan niya man po ako, alam ko pong mas nasaktan siya bilang isang ina. Ngayon po hindi po kami yung magkaaway kumbaga nasa stage pa rin po kami kung saan tinatry namin pareho na intindihin yung isa’t-isa! Pero I have to give her credit na talagang tinatry po niya na intindihin yung sitwasyon kaya po sinasabi ko po na opo nagkaaway po kami pero normal lang po yun. 

BOY Lola mo? Kayo ba ng lola mo ay magkagalit?

CHARICE Sa totoo lang po hindi naman po. Alam ko po may nakita po akong interview po niya pero hindi po kami magkaaway kasi una po sa lahat hindi pa naman kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap kami ng lola ko. Siguro po siyempre may sarili naman pong opinyon ang lola ko at tinatanggap ko rin po yun. Kaya noong napanuod ko po yung interview niya, naiintindihan ko naman po at hindi kami magkaaway.

BOY Sino si Robert Ybera?

CHARICE Ninong ko po siya! Marami po akong nakita na comments niya, na sinabi niya sa media, sa mga tao. Pero tito boy nirerespeto ko siya. Nirerespeto ko siya as a person. As my ninong. Malaki yung utang na loob ko sa kanya honestly.

BOY Hindi ka galit sa kanya?

CHARICE Hindi ko alam kung bakit hindi ako galit sa kanya! Kahit na isipin ko po na dapat akong magalit dahil sa mga sinabi niya, pero hindi, nagstay po kami sa bahay niya, mga small things kasi siya nagturo sa akin magdrive. Basta ang sa akin lang po kilala niya ako bilang isang tao, at kilala ko po siya at nirerespeto ko siya malaki ang utang na loob ko sa kanya.

BOY Naging usap usapan umalis ka ng bahay may mga gumamit ng salita na naglayas ka ng bahay ito ba ay totoo?

CHARICE Naglayas… hindi ko po… naglayas… hindi ko po alam kung anong sasabihin ko diyan. Umalis po ako nang bahay opo. Pero alam ko po na parang alam din naman ni mommy noon, na doon din darating sa point na yun. Umalis po ako dahil hindi ayoko na roon, umalis ako dahil yun yung kailangan kong gawin…

BOY Charice ang tanong ng lahat ngayon ay nasaan ka ngayon, saan ka nakatira dito sa pilipinas? Sino ang itinuturing mong pamilya? Lalo na itong panahon na mahirap ang iyong pinagdaraanan.

CHARICE Ngayon po nagsestay po ako dito po sa Laguna po sa Cabuyao... Nagsestay po ako sa isang pamilya na hindi ko po ineexpect na makikipagsapalaran din...

BOY Susugal?

CHARICE Susugal as in! would take a bullet for me. Kaya noong birthday ko, napakaswerte ko na may mga ganong tao! Kasi sa sitwasyon ko ngayon Tito Boy hindi ko ineexpect yung… ang hirap magtrust! (tears up) Ang hirap maghanap ng taong ganon. Pero again hinayaan ko ang diyos na bigyan ako ng sign bigyan ako ng kung sino ang pwedeng tumulong sa akin. Nandito sila sa Laguna, sina mommy ina, sina daddy george, sina kuya glen. Matagal na po kaming magkakakilala. Bata pa po ako eh kaya po noong pagdating ko na sa bahay noong araw na yun, na-feel ko po yung kumportable po talaga ako.

BOY dito you’re home no?

CHARICE opo. Ngayon ko po masasabi na, na pag pumasok ako sa isang bahay pwede akong humiga, na sabihing “hay, pagod na ako.” Pwede ko lahat gawin, pwede akong magbaliw-baliwan, pwede kong ipakita kung sino si charice sa harap nila, nang walang manghuhusga.

BOY that’s what you call home. Ano ang nais mong sabihin sa kanila? To your family, to your home here?

CHARICE sa pangalawang pamilya ko po, yung pasasalamat, parang feeling ko na hindi pa po sapat yun sa mga ginawa nila para sa akin. Isang buwan na po ako nandito pero parang years na po akong nagsestay rito. Yun po ang pinafeel nila sa akin, gusto ko po sabihin talaga sa harap ng maraming tao na nagpapasalamat po ako sa kanila. Sana po, huwag sila mag-isip ng against sa kanila, kasi kung hindi po dahil sa kanila wala po ako ngayon. Siguro po sobrang depressed ako kaya nagpapasalamat po ako.

BOY umaasa ka ba charice na mabibigyan kayo ng pagkakataon ng lola, ni robert at nanay mo na makapagusap ng tahimik?

CHARICE siguro po naniniwala po ako roon. Lagi ko naman po tinatry na isipin na positive lahat na eventually lahat magiging okay.

BOY iba pang pinag-uusapan, may mga haka-haka ngayon na diumano’y wala nang karera si charice. Patambay tambay na lang sa cabuyao! Comment.

CHARICE alam niyo po yung mga tao nga rito ang tawag na sa akin moymoy laughs

BOY bakit moymoy?

CHARICE palaboy! Laughs Parang naging joke na po yan dito noong nalaman nila yun. Natawa na rin po ako kasi narealize ko na ang hirap pala, pag nagtry kang magpakababa may comment pa rin. Yung nakikita nila ako sa labas gumagala ako ganyan – ganoon po talaga ako! I’d rather do that kesa na maging pasosyal ako na ayokong lumabas o ayokong magpainit – nanunuod ako ng liga ng basketball dahil yan po ang hilig ko ngayon! Yun po yung gusto kong gawin.

BOY pagusapan natin yung karera – diumano’y wala nang karera si charice, sa mga tagahanga na gustong malaman ang nangyayari sa iyong karera.

CHARICE sa US po si mark johnston pa rin ang naghahandle sa akin, wala pong nagbago roon. Dito naman po sa philippines, si glen aldueza. It’s just very nice to have yung tao na kilala ka, alam kung gusto mo alam yung ayaw mo.

CHARICE magkakaroon po ako ng recording, magkakaroon po ako, magrerecord ako ng isang song na magfeafeature sa isang malaking project, siyempre po mga TV shows na lalabasan ko rin po na hindi pa pwedeng sabihn, kung pwede lang po sasabihin ko.

BOY in other words, may mga nangyayari sa iyong karera?

CHARICE siyempre po para naman dito sa mga fans ko sa philipines, we’re still working on doing my third album in the philippines, na para lang po sa kanilang lahat!

BOY basically what we’re trying to say here is lalo para sa iyong mga tagahanga yes, my career is undercontrol, my career is doing okay.

BOY ito na yung pinaka-aantay ng sambayanang pilipino, ito yung pinakakontrobersyal, dito ako nagpapasalamat dahil buong tapang at buong tiwala mo ibahahagi sa amin kung ano ang iyong kwento. Noong lumabas ang iyong mga larawan sa social networks, maraming tanong, maraming mga haka-haka, tungkol sa mga pagbabago ng appearance mo, pananamit, buhok, pati na ang iyong mga kilos. Bakit nagbago ito? May mga speculations na si charice nagrerebelde, si charice ay naghahanap ng atensyon. What do you wanna say?

CHARICE hindi ko po alam ang ieexplain ko kasi lahat ng ginawa ko yung nagpatattoo ako yung nagpagupit ako – lahat po iyon choices na ginusto ko po, na alam ko pong very risky. Pero ginawa ko po dahil yun ang gusto ko po. hindi po dahil sa nagrerebelde ako hindi po dahil sa nasaktan ako ng isang tao or nasaktan ako ng pamilya ko or emotionally depressed ako dahil ginawa ko yun, dahil yun po ang gusto ko.

BOY mahirap itong itanong, I don’t know how to phrase this… only because ako’y naniniwala that you don’t owe anybody any explanation. Naniniwala ako na walang kinalaman sa talento ang usapin na may kinalaman sa sexual orientation at gender identity. Pero kinakailangang itanong kaya itatanong ko... Simple lang, charice, are you a lesbian?

CHARICE tito boy meron po akong chance na gawin po lahat ng ito internationally

BOY chance ibig sabihin itong paguusap na ito doesn’t have to happen here in the philippines?

CHARICE pero pinili ko po rito dahil malaki po ang utang na loob ko sa mga pilipino dahil nafeel ko na gusto kong sila yung makaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako…

CHARICE Opo, tomboy po ako. Hindi ko po alam kung ano ang problema nun. Kasi para po sa akin wala pong problema yun. Ngayon gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa mga hindi po ako matatanggap. Sorry po. Naiintindihan ko po kayo. Pero sa lahat ng makakatanggap, matatanggap po ako maraming maraming salamat po.

CHARICE pero sa ginagawa kong ito, gusto ko lang na sabihin sa inyo na, ang gaan ng pakiramdam ngayon. (tears up, voice slightly breaks) na makakalabas ako ng bahay na wala akong itatago, na wala akong masasagasaang tao! Dahil wala akong tinatago! Sorry mommy, carl – pero ito ako. Proud ako sa sarili ko mahal ko ang sarili ko kaya ko po ginagawa ito. Sa mga fans ko, alam ko na marami sa inyo na alam ko marami sa inyo disappointed, alam ko nga ilan sa inyo siguro tatalikuran na ako. Sorry. Alam niyo na sincere akong tao, from the bottom of my heart, I’m sorry. Naiintindihan ko.

BOY charice gusto ko lamang iklaro, nagsosorry ka not because you’re a lesbian. Nagsosorry ka lamang because?

CHARICE alam ko po na nasaktan silang lahat.

BOY nasaktan sila na nag-out ka, at hindi nila inexpect. At sa ating kultura, hindi ito ang normal at usual na paraan dahil kadalasan ay itinatago para matuwa ang publiko ang fans, pero pinili mo magsabi ng totoo, pinili mo magsabi ng totoo dahil yun ang tama. Do you hope na isang araw, makapagtrabaho tayo sa isang bansa, sa isang mundo, sa isang industriya na hindi tinitignan ang kasarian, kundi talento?

CHARICE naniniwala po akong someday… darating po yan, mahirap lang ngayon. Naniniwala akong someday lahat po tayo lalabas at magtatrabaho na pantay pantay lang. Kaya nga minsan sinasabi na “are you gay?” “what are you straight?” pareho lang naman yun e.

BOY how do you feel? Do you feel free?

CHARICE sobra po.

BOY ipupush ko lang nang kaunti, now that you’ve said you are a lesbian – nagkaroon ka na ba ng mga relasyon sa kapwa babae?

CHARICE opo naman! Siyempre po hindi ko naman masasabi kung sino yung mga nakaraan, pero opo naman naexperience ko na po yan.

BOY pero tago ka nang tago

CHARICE tago po! (laughs)

BOY the last time I saw you, you were with chesa. Did you have a relationship with her?

CHARICE ah opo, hindi joke lang po laughs. Kasi I remember na nagpost kami ng picture na ang caption ko my baby girl, nakita namin sa timeline namin sa twitter na uy jowa jowaers! Mga ganyan pero no po.

BOY laughs ang cute mo ngayon nakakaganyan ka na.

CHARICE laughs si chesa po is like a sister, like a big sister. Hindi po totoo.

BOY ito pa ang isang hinihintay ng sambayanan – sino si alyssa quijano (X-Factor's AKA JAM member), sa buhay ni charice?

CHARICE teka punasan ko lang muna yung pawis ko.

CHARICE uhm… matagal na po kaming magkakilala, nagkakilala kami 9 years old siya, 10 ako. Sa mga singing contest po nagkakalaban kami lagi. And then nagkita po kami uli sa X Factor. Pero ang masasabi ko lang po, siya sa buhay ko… she’s an inspiration. Isa po siya sa pinagkukunan ko po ng lakas ngayon. She’s a very special person.

BOY mahal mo si alyssa?

CHARICE giggles. sorry! Uhm… sana mabuksan niyo yung puso ko para makita niyo yung sagot!

BOY kung bubuksan ko yung puso mo is it a yes or a no?

CHARICE malakas po ang tibok

BOY ah malakas lang ang tibok. Pero ito si alyssa ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng hidwaan sina charice at ang kaniyang pamilya?

CHARICE siguro isa na naman po yan sa is masasabi nating expected na mangyayari...

BOY sinasabihan na siya ang pinaggagastusan ni charice, siya ang ayaw ng pamilya.

CHARICE basta po ang masasabi ko lang hindi naman nila kilala si alyssa! They don’t know how amazing she is, pero alam kong naiintidihan niya.

BOY nagtanan daw kayo?

CHARICE tito boy ano ha parang masyado akong binata!

BOY may plano ka bang magpakasal someday?

CHARICE one day one day siyempre po hindi ngayon pero one day!

BOY nasaan ang diyos sa buhay mo ngayon?

CHARICE nasa puso ko po lagi, dahil isa rin po yan na akala po siguro ng ibang tao kinalimutan ko na pero hindi po nila alam na halos everyday iniisip ko na bahala na po kayo Lord. Alam ko naman pong siya yung nagaguide sa akin.

BOY Ano ang dasal mo sa diyos?

CHARICE ang dasal ko po sana po eventually po matanggap po ako ng mga tao na gusto kong matanggap ako meaning yung family ko po!

BOY sa lahat ng ito charice ano yung pinakamahalagang leksyon na iyong natututunan?

CHARICE sa mommy ko, kay carl... sana po mas naging open pa ako mas naging honest pa po ako. Kasi yun po ang pinakaimportante sa relationship ng mga magulang at mga anak na maging open sa isa’t-isa – kahit na anong maging reaksyon ng bawat isa. Sa lahat ho ng ibang mga kabataan diyan na kaage ko, mga tao na pinagdaraanan ito, always be true to yourself. Alam natin sa sarili natin kung sino ka, life is too short to play games. Just be free.

BOY muli, para sa iyong mga fans?

CHARICE chasters, ito na to! This is it! New chapter. Welcome, welcome to my crazy life. Enjoy the ride.

BOY kung merong isang awitin that will capture what you wanna say to the world, what is that song? Sing me that song!

(CHARICE sings PERFECT by PINK)

BOY What was that favorite song you used to sing in most of the contests you used to join? Yung pinipili niyo ng mama niyo?

CHARICE baka maiyak na naman ako!

BOY I would love to hear you sing that song now, that you’re free!

(CHARICE sings MAGHINTAY KA LAMANG)

BOY mahal na mahal kita charice at salamat.

For more Kapamilya updates follow/like BIDA KAPAMILYA on Twitter and Facebook.

Poll

Celebrity news

More Article »
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. BIDA KAPAMILYA - All Rights Reserved
Template Modify by Creating Website
Proudly powered by Blogger