Headlines News :

Latest Post

Showing posts with label TV Patrol 25th Anniversary. Show all posts
Showing posts with label TV Patrol 25th Anniversary. Show all posts

ABS-CBN Scores 7-0 versus GMA-7 in 2013 Anvil Awards

Posted on March 7, 2013 | 5:10 PM

ABS-CBN Corporation won a total of seven Anvil Awards, considered as the Oscars of the public relations industry in the country, and making it as the most-awarded TV network in this year’s race for its outstanding PR programs and tools.

ABS-CBN Scores 7-0 versus GMA-7 in 2013 Anvil Awards

The Kapamilya network’s necrological services that paid tribute to an entertainment icon, campaigns for the silver anniversary celebrations of its flagship primetime TV newscast and an AM radio station, relief operations for typhoon victims, station ID that highlighted the uniqueness of Pinoy summer, and an internal campaign that engaged ABS-CBN employees through various services were awarded by the Public Relations Society of the Philippines.

“Salamat, Tito Dolphy,” ABS-CBN’s necrological service and tribute to the King of Philippine Comedy staged within 24 hours after Dolphy’s death won for efficiently harnessing the company’s people and resources and brought together Dolphy’s family, friends, colleagues, and even competing TV networks and media organizations. More than 6,000 fans attended the event that was carried out with no glitches.

ABS-CBN Regional Group’s online advocacy campaign “Choose Philippines” earned recognition for successfully engaging online users to share their local adventures and tourism discoveries in the country.  Since the site went live in April 2011, the website’s page views have reached more than 2.4 million total page views and continues to grow especially after the success of its promotional music video campaign “Piliin Mo Ang Pilipinas,” sung by Angeline Quinto and Vincent Bueno.

ABS-CBN Foundation Inc.’s “Sagip Kapamilya” was cited for its “Sagip Kapamilya Ondoy Relief Operations,” which raised funds and provided relief and rehabilitation for the victims of typhoon Ondoy.

“TV Patrol” won an Anvil for its integrated multimedia campaign “TV Patrol: 25 Taon ng Pagbabalita” that celebrated ABS-CBN’s primetime newscast’s achievements in setting the news agenda, actively engaging in nation building, exposing irregularities and shortcomings of public offficials, and doing public service that helped the nation recover from man-made and natural disasters.

Similarly, the leading AM radio station DZMM Radyo Patrol 630 won for its year-long 25th anniversary celebration “DZMM SilveRadyo” that culminated with a concert at the Araneta Coliseum and reinforced how it has remained true to its slogan “una sa balita, una sa public service” for more than two decades.

ABS-CBN’s 2012 summer station ID “Pinoy Summer Da Best Forever,” created by ABS-CBN Creative Communications Management, won for painting a picture of how Filipinos are proud of their heritage and values as reflected in the various festivals of the country.

Lastly, ABS-CBN Internal Communications, under the Corporate Communications Division, won an award for engaging the employees through various communication tools and activities that strengthened their affinity as Kapamilya and making them the company’s best brand ambassadors.

ABS-CBN won a total of seven Anvil awards vs TV5’s three and GMA with none.

The Anvil Awards is an annual event organized by the PRSP that honors outstanding public relations programs and tools. Prior to the Anvil Awards, ABS-CBN earned eight recognitions for its PR programs from the Philippine Quill Awards given by the International Association of Business Communicators. ABS-CBN was the most-awarded TV network in both Anvil and Quill Awards that honor the best works in public relations and business communications.

For more Kapamilya updates follow/like BIDA KAPAMILYA on Twitter and Facebook.

TV Patrol 25th Anniversary Party Airs this August 5 on Sunday's Best

Posted on August 2, 2012 | 4:14 PM

The anchors and reporters of “TV Patrol” took a timeout from news reporting to entertain and show off their creative chops to celebrate the 25th anniversary of the country’s leading newscast last Friday (July 27) at the Manila Hotel.

As if to show that journalists know how to have fun, “TV Patrol” anchor Noli ‘Kabayan’ de Castro serenaded the crowd and Korina Sanchez crooned the Filipino classic “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” in “25 Taong Patrol ng Pilipino: The TV Patrol Silver Anniversary Special” to be aired on Sunday (August 5), 11 p.m. on ABS-CBN.

TV Patrol Anchors

Also turning the heat up the dance floor were “TV Patrol Weekend” anchor Pinky Webb and Star patrollers Gretchen Fullido, Phoemela Baranda, Ginger Conejero, and Marie Lozano, who turned in an alluring salsa performance.

The audience also erupted with laughter from the comic duets of Tony Velasquez and Kitkat, Marc Logan and Cacai Bautista, Doris Bigornia and Leo Martinez, and Henry Omaga-Diaz who was noticeably nervous in his song number with comedienne Ethel Booba.

Besides the stellar performances, the celebration also honored the pioneers and past newscasters of “TV Patrol” such as the late Angelo Castro Jr., Rolly V. Cruz, Frankie Evangelista and Ernie Baron whose awards were received by their respective families.

The star-studded event, which was attended by the biggest newsmakers in the country, also revisited the biggest news reports delivered by TV Patrol’s bold reporters as well as the stories that inspired and brought hope to the nation.

“‘TV Patrol’ reflects the condition of our country, what needs to be changed, and what needs to be stopped. We will work with Filipinos in their fight to make their lives better, to uphold democracy, and to celebrate victories,” said ABS-CBN chairman and CEO Eugenio “Gabby” Lopez III.

Kapamilya stars also shone in the event with performances from Dulce, Vina Morales, Basil Valdez, Bituin Escalante, Jed Madela, Gloc-9, Freddie Aguilar and the Watawat Band, Pepe Smith, Erik Santos, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, and Marcelito Pomoy.

Don’t miss “25 Taong Patrol ng Pilipino: The TV Patrol Silver Anniversary Special” hosted by ‘Kabayan,’ Korina, and Ted Failon this Sunday (August 5) after “Gandang Gabi Vice” on ABS-CBN. For information and updates, follow @TVPatrol on Twitter or like www.facebook.com/tvpatrol.abscbn.

For more Kapamilya updates follow/like BIDA KAPAMILYA on Twitter and Facebook.

PNOY's Speech at the 25th Anniversary of TV Patrol (July 27, 2012)

Posted on July 28, 2012 | 10:37 AM

President Benigno S. Aquino III graced the 25th (Silver) Anniversary of TV Patrol on July 27, 2012. His speech on the said event created buzz because of criticizing TV Patrol anchor Kabayan Noli De Castro (watch the full video here).

Here is the full transcript of PNOY's speech at the TV Patrol 25th anniversary:

Talumpati 
ng 
Kagalang-galang Benigno S. Aquino III 
Pangulo ng Pilipinas 
Sa ika-25 anibersaryo ng TV Patrol

 [Inihayag sa Manila Hotel noong ika-27 ng Hulyo 2012]

Mr. Gabby Lopez; Mrs. Charo Santos-Concio; Ms. Ging Reyes; Senator Frank Drilon; Senator Loren Legarda; Secretaries Mar Roxas, Greg Domingo, Ricky Carandang; Chairman Francis Tolentino; Bangko Sentral Governor Sy Tetangco; Mayor Alfredo Lim; Representative Sonny Angara; Commissioner Ruffy Biazon; Commissioner Kim Henares; Chair Sixto Brillantes; past and present officials and staff of TV Patrol and ABS-CBN; fellow workers in government; honored guests; mga minamahal ko pong kababayan:

Magandang gabi po sa inyong lahat.

Dito po magkakaaminan: Noon pong kabataan ko, wala pang ANC, wala pang CNN, at aaminin ko po, sa totoo lang, wala pang cable TV. Kung kailangan mo ng instant news, halimbawa, kapag may bagyo, nawalan ng kuryente, ang tutok namin noong mga panahong iyon: Radyo Patrol. Sa pag-usad ng panahon, mas naging moderno ang pagbabalita; ang tinig na rumoronda sa himpapawid, nadadagdagan ng biswal na elemento. At narito na po tayo ngayon, ipinagdiriwang ang Silver Anniversary ng isa sa mga pinakamatibay na institusyon sa pagbabalita: Ang TV Patrol.

Sa loob ng dalawampu’t limang taon, kinilala ang TV Patrol sa tapang at sigasig ng paghahatid ng impormasyon sa mamamayang Pilipino. Sa tuwing may sakuna, naroon kayo upang magbigay ng kaalaman kung paano umiwas sa peligro at disgrasya. Sa tuwing may agam-agam ang publiko ukol sa isyu, kayo ang takbuhan para sa tapat na pag-uulat. Kaya naman, sa lahat ng bumubuo ng inyong programa, mula noon hanggang ngayon, sa harap man o sa likod ng kamera: talaga namang pong isang mainit na pagbati sa inyong ikadalawampu’t limang anibersaryo. [Applause]

Kapag katotohanan ang pinag-uusapan, lagi kong naaalala ang isang sikat na police drama noong ako po’y bata pa. Dragnet ang pangalan po ng programa. At sa pagkalap ng kaalaman, ang bukambibig noong isang bida, and I quote, “Just the facts, Ma’am.”

Hayaan po ninyo akong ilatag ang ilang facts na inihayag natin sa SONA noong Lunes:

Five point two million sa pinakamahirap na kabahayang Pilipino ang buong-buo at walang-bayad nang makikinabang sa benepisyo ng PhilHealth. Fact po ito.

Bago matapos ang susunod na taon, ubos na ang minana nating 66,800 na kakulangan sa silid-aralan. Fact na naman po ito.

Tinitiyak na po ang kalidad ng higit sa 70,000 na mga baril na ipagkakaloob sa natitirang 45 porsyento ng ating kapulisan. Matapos po ang prosesong ito, magkakaroon na tayo ng one-is-to-one ratio ng pulis at sa armas na kailangan po nila sa kanilang trabaho. Fact din po ito.

Ilan lang po ito sa mga pagbabagong tinatamasa ngayon, at nakamit po natin ito sa unang dalawang taon pa lamang ng ating pamamahala. Nang mag-umpisa tayo bilang Pangulo, ni wala po tayong masipat na “light at the end of the tunnel.” Ni hindi nga po kami sigurado kung may dulo pa ang balon ng problemang ipinamana sa atin. Wala naman po sigurong magkakaila: Napakalaki na ng ipinagbago ng ating bansa. At palagay ko po naman, fact din po iyan sa ating lahat. [Applause]

Huwag po sana ninyong mamasamain, tutal kaharap ko na po kayo ngayon, at one night lang naman sa 365 days ng isang taon ko kayo makakausap. Tingnan po natin ang paghahayag ng inyong institusyon.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, may isang reporter kayo ang nagbabalita sa NAIA 3. Ang sabi niya, sa puntong iyon, tumaas ng dalawampung porsiyento ang passenger arrivals sa paliparan. Magandang balita, at higit sa lahat, fact po iyan.  Sa kabila nito, nakuha pa pong humirit ng isang anchor n’yo at ang sabi po niya, and I quote,  “Nasa NAIA 3 ka kasi; kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.” Sa loob-loob ko po, anong kinalaman ng ibinabalita sa NAIA 3 sa NAIA 1? May nagsabi po bang ayos na ayos na ang NAIA 1? Kung mayroon man ho, hindi kami. Nakaligtaan niya atang mahigit 30 anyos na ang istrukturang ito.

Napapaisip nga po ako: ‘yung nagkomento nito, hindi ba’t anim na taon ding tumangan sa renda ng gobyerno? Sabihin na po nating minana lang din nila ang problema; ‘di hamak mas luma naman ang ipinamana nilang problema sa amin. Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong inirereklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito, pero, masakit nga ho, may gana pa tayong hiritan ng nagpamana?

Naalala ko rin po nang na-recover ng NBI ang isang banyagang bata na nakidnap. Ang ganda na po sana: Nakakuha ng tip ang awtoridad, kumilos sila, at na-recover ang bata. Masaya ang mga magulang na kapiling na muli nila ang kanilang anak; masaya ang bata na kayakap niya ang kaniyang ama’t ina; masaya ang awtoridad na maayos at matagumpay ang operasyon nila. Mukhang ang hindi lang masaya, ito nga pong anchor natin na nagawa pa uling humirit na baka raw na-set-up lang raw ang rescue operation, at binayaran lang talaga ang ransom. Kahit anong pilit ng reporter na malinaw ang operasyon; nag-surveillance ang mga taga-NBI, at talagang natiyempuhan nilang walang nakabantay sa bata, pilit pa rin po nang pilit ang anchor. Sabi nga ho ng nanonood kong kasama, “Naman.” Kami pa po mismo ang magagalak kung makakapaghain kayo ng kapirasong ebidensya ukol dito, at kung mayroon nagkamali, usigin natin ang mga nagkamali.

May naitutulong po ba ang mga walang-basehang spekulasyon, lalo na kung lumalabas ka sa telebisyon at sinusubaybayan ng sambayanan? Kung nagbabangkaan lang tayo sa kanto, hindi problema ang mga walang-basehang patutsada. Pero kung alam mong opinion-maker ka, alam mo rin dapat na mayroon kang responsibilidad. Sana po, sa tuwing sasabihin nating, and I quote, “magandang gabi, bayan,” ay totoong hinahangad nating maging maganda ang gabi ng bayan.

May isa pa po: Ang pagtaas-baba po kasi ng pamasahe, dumadaan sa mahabang proseso. Minabuti po nating makipag-ugnayan sa transport groups, sa pangunguna po ni Secretary Mar Roxas, upang bumuo ng kasunduang makatuwiran. Dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan, malaki ang naging gastusin ng mga tsuper sa pataas na pataas na presyo ng krudo, kaya oras na umabot ang diesel sa napagkasunduang presyo, ibibigay sa kanila ang kanilang fare hike para matulungan naman. Ngunit sang-ayon sila na kapag bumalik ang presyo’t bumaba rin ang presyo ng krudo, magkukusa rin silang ibaba ang pamasahe. Ika nila, imbes na sumobra ang tubo, bilang Pilipino ay magmamalasakit kami sa kapwa Pilipino.

Ibinalita po ito ng field reporter ninyo. Good news po talaga: Ang risonableng mungkahi, napagbigyan; ang pamahalaan, grupo ng tsuper, nagtulungan. Panalo ang sambayanan. Ang problema, nagawa pa rin itong sundutan ng komentaryo. Matapos i-report, ang pambungad na tanong ng inyong anchor: Ano raw ba ang angal ng mga grupo sa akin po. Ang reaksyon ko, “Saan naman nanggaling ‘yun?”

Nagkasundo-sundo na tayong tugunan ang isang problema, mayroon pang naghahanap ng angal.

Nagkakasundo na nga, para bang gusto pa ring pag-awayin. Mahirap pong isipin na bahagi ito ng inyong job description. ‘Di po ba kung umangat ang ating kalagayan, tayo ang panalo; at kung lumubog naman ito, tayo rin naman ang talo? Bakit parang mas gusto ng iba na makita tayong lumulubog?

Kung gabi-gabing bad news ang hapunan ni Juan dela Cruz, talaga namang mangangayayat ang puso’t isip niya sa kawalan ng pag-asa. Mayroon po kayong The Filipino Channel, kung saan napapanood ng mga dayuhan at ng ating mga kababayan sa ibayong dagat ang mga balita sa Pilipinas. Isipin po natin: bawat isang turistang bumibisita sa bansa tinatayang isang trabaho ang naglilikha. Ilang turista kaya kada buwan ang nagka-cancel ng bakasyon dahil sa araw-araw na negatibismo? Ilan kayang kababayan ang nawawalan ng pagkakataong magkaroon ng kabuhayan dahil sa bad news na ito? Kung isa po kayo sa sampung milyon nating kababayan na nagsasakripisyo sa ibayong-dagat, gaganahan kaya kayong bumalik dito kung mas nakakasindak pa sa Shake, Rattle, and Roll ang balita sa telebisyon? Kailan pa po ba naging masama ang pagpapahayag ng mabuting balita?

Sa pagpapatrol ninyo sa bawat sulok ng bansa, tiyak na may nadaratnan kayong mga positibong kuwentong maaaring maging bukal ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga kababayan. Hindi naman po siguro masusunog ang mga TV sets at radyo ng inyong mga suki kung paminsan-minsan ito ang inyong ibalita. Hindi naman po siguro kalabisang isipin na sa pagtaas ng iniluluwas nating coco water na mahigit 3,300 porsiyento ang inangat, may mahahagilap kayong isang magsasaka na magsasabing, “Dati, itinatapon lang ito. Ngayon napapagkakitaan na namin.” Sa mahigit tatlong milyong pamilyang benepisyaryo ngayon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, hindi naman po siguro mahirap maghanap ng isang magsasabing, “Malaking tulong ang programang ito.”

Alalahanin po natin: Anumang sinasabi n’yo ay nakakaapekto sa pananaw ng Pilipino—humuhubog sa kanyang mga kilos, sa pagtingin niya sa kanyang sarili, sa kapwa, at sa bayan. Kapag pinaniwala si Juan na panay pangit ang nangyayari sa lipunan, talagang mawawalan siya ng dahilan para tumungo sa katuparan ng mga adhikain niya. Pero kung nakikita niyang ang dating problema ay nasusulusyonan, mag-aalab ang pag-asa, at magkakakompiyansa siyang sumulong dahil alam niyang may pagbabago na.

Marami pa ba tayong problemang kailangang tugunan, at hindi po magiging madaling lampasan ang mga ito, lalo na kung kaliwa’t kanan ang hilaw na kuru-kuro at spekulasyon. Sa akin na po mismo manggagaling: Marami pa ring butas ang dinatnan nating sistema at hindi perpekto ang gobyerno, kaya’t kung may pagkukulang kami, ipaalam lang po ninyo. Parati ko pong ipinapaalala, sa ilang samahan na baka tumataas ang ere: nag-uumpisa ang kaalaman sa pag-amin na hindi lahat ng kaalaman ay nasa akin. Ako na mismo ang aamin: wala kaming monopolyo sa husay at talino, at hindi kami tama sa lahat ng sandali. Subalit hindi malulunasan ang mga problema kung sa bawat isang hakbang pasulong natin, puro paatras naman ang hila ng ilang gusto tayong ibalik sa dilim ng ating dinatnan.

Kung may paligsahan nga po sa pag-unawa’t pagtitimpi, malamang naman po gold medalist na po tayo diyan. Bahagi po kasi ito ng trabaho natin. Bahagi rin nito ang magsabi ng totoo, at sa gabing ito, inilahad ko lamang po ang katotohanang nakikita ko.

Hindi ko hinihiling na kumatha kayo ng mga gawa-gawang kuwento, o pagandahin ang imahen ng gobyerno. Ang akin lang po, kung naibabalita ang mga nagaganap na krimen at trahedya, ibalita rin naman po natin sana kung paano ito naresolba. Kung inilalantad po natin ang kabulastugan; matuto naman din po sana tayong kilalanin ang mga nagagawang kabutihan. At kung may maimumungkahi kayo para lalo nating mapagbuti ang pagsisilbi sa bayan, kami po ay makikinig. Ibalanse lamang natin; tandaan na natin sa bawat sulat, sa bawat ulat, ay nag-iiwan kayo ng marka sa publiko; nakakaapekto kayo sa buhay ng kapwa Pilipino. Ang pagkiling sa negatibismo ay mag-aatras lamang sa dapat sana’y pag-usad na ng ating bayan at mga kapwa Pilipino.

Patuloy po tayong magsumikap upang iangat ang antas ng propesyunalismo, integridad, at kredibilidad sa larangan ng paglilingkod-bayan; patuloy nating isabuhay, bantayan at patingkarin ang ating demokrasya. Bilang isang lahing Pilipino, sama-sama nating isatinig at ihayag ang ating paninindigan: nandito na ang Pilipinas, tinatamasa na ng Pilipino ang pagbabagong siya rin mismo ang gumawa.

Muli, at ako po’y pagpasensyahan ninyo kung masyadong prangka nagsalita ngayong gabi. Maganda na ho siguro ‘yung totoo ang sabihin para magkaunawan tayo nang maliwanang. Muli po, binabati ko ang TV Patrol sa inyong ika-25 kaarawan. Maraming, maraming salamat po sa inyong paglilingkod sa bayan at more power po. Magandang gabi po. [Applause]

For more Kapamilya updates follow/like BIDA KAPAMILYA on Twitter and Facebook.

Video: PNOY Slams Kabayan Noli De Castro in TV Patrol Silver Anniversary Party Speech

President Benigno S. Aquino III slammed former Vice President and TV Patrol anchor Kabayan Noli De Castro during his speech at the 25th Anniversary Party of TV Patrol held July 27 at the Manila Hotel.

In his speech, PNOY criticized Noli De Castro for supposed baseless speculation and commentaries against the administration despite his 6 years stint in the government. Although the president did not mention any name, reading between the lines will suffice for anyone to conclude that it was Kabayan, being an ex-government official. 

President BenignO S. Aquino III slams Kabayan Noli De Castro at the TV Patrol 25th Anniversary Party
PNOY said that in an October 2011 story on TV Patrol, a reporter talked about a 20% increase in passenger arrivals at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. The President said that Noli De Castro (without naming him) then retorted, “Nasa NAIA 3 ka kasi. Kung nasa NAIA 1 ka, doon malala.” 

"Napaisip nga po ako. ‘Yung nagkomento nito, hindi ba’t anim na taon ding tumangan sa renda ng gobyerno? Sabihin na po nating minana lang din nila ang problema; ‘di hamak mas luma naman ang ipinamana nilang problema sa amin."

“Anim na taon ang ipinagkaloob sa kanya para tumulong sa pagsasaayos ng mismong inireklamo niya. Pero ngayon, tayo na nga ang may bitbit na problema, tayo na nga ang tutugon dito, pero masakit nga ho, may gana pang hiritan ng nagpamana?”

PNOY also used Kabayan Noli De Castro's signature line:

"May naitutulong po ba ang mga walang-basehang spekulasyon? Kung alam mong opinion-maker ka, alam mo rin dapat na mayroon kang responsibilidad. Sana po, sa tuwing sasabihin nating, and I quote, ‘magandang gabi, bayan,’ ay totoong hinahangad nating maganda ang gabi ng bayan.’"

The President on his speech called for a balanced media reporting and stop what he called as 'daily negativism' which make our news programs somewhat like a horror film series. PNOY ended his speech by asking for understanding for his being frank that night.

Watch PNOY's full speech at the TV Patrol 25th Anniversary Party held Friday, July 27. For the full speech transcript, click here.


Reference: Rappler.com
For more Kapamilya updates follow/like BIDA KAPAMILYA on Twitter and Facebook.

TV Patrol Celebrates 25th Anniversary With A Special Documentary

Posted on July 27, 2012 | 8:49 PM

ABS-CBN News and Current Affairs marks the 25th anniversary of “TV Patrol” with a special documentary that highlights its vibrant history and evolution and confronts the controversial issues the country’s number one television newscast has had to face.

TV Patrol 25 anchors Kabayan Noli De Castro, Korina Sanchez and Ted Failon

Titled “Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol,” the documentary will revisit the newscast’s creation and the memorable stories that defined the program and helped shape Philippine contemporary history to be shown on Sunday (July 29) on ABS-CBN.

Speaking for the documentary, ABS-CBN chairman and CEO Eugenio “Gabby” Lopez III shared how the pioneering news program made a difference on TV news broadcasting and how it became a daily viewing habit by millions of Filipinos in the country. He said it posted “unusually” high ratings compared to any program shown after its timeslot when it was launched.

“Originally, the common thinking was, it was the primetime entertainment programs that generated the most significant revenues. In the case of ‘TV Patrol,’ it was the highest rating and highest grossing program in its early years,” said Lopez.

And years since, it has remained as the country’s undisputed, number one newscast in the country. “TV Patrol” is still the most-watched newscast with a national TV rating of 31.8%, or almost twice higher than rival “24 Oras” with 17.6%, based on the June 2012 data from Kantar Media.

Ging Reyes, head of ABS-CBN News and Current Affairs, also stressed how the newscast has become part of Filipino’s everyday lives and Pinoy pop culture. “People are afraid to be reported on TV doing unlawful activities. ‘O, baka ma-TV Patrol ka.’ ‘Naku, ayokong ma-TV Patrol!’ That’s the biggest mark it has left on us as a nation,” she said.

Being a part of the program has also compelled Noli ‘Kabayan’ de Castro, who anchors “TV Patrol” with Korina Sanchez and Ted Failon, to go out in the field and look for his own stories instead of just reporting them from the studio.

“I don’t want to be called a news reader. I am a newscaster. I want to know what’s happening and I know when something is important enough to share with the viewers. I get to know what people want. That’s what happens in ‘TV Patrol,’” he said.

The documentary will also revisit some of the biggest news stories the past 25 years such as the 1990 earthquake, Mt. Pinatubo eruption, coup attempts, etc.

“Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol” is part of TV Patrol’s silver anniversary celebration, which also included the “TV Patrol Grand Reunion,” “TV Patrol Balitandaan,” and a fund-raising venture called “Beinte Singko Para sa Kabayan Ko.”

Don’t miss “ Mga Nagbabagang Balita: 25 Taon ng TV Patrol” this Sunday (July 29) after “Gandang Gabi Vice” on ABS-CBN Sunday’s Best.

For more Kapamilya updates follow/like BIDA KAPAMILYA on Twitter and Facebook.

Poll

Celebrity news

More Article »
 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. BIDA KAPAMILYA - All Rights Reserved
Template Modify by Creating Website
Proudly powered by Blogger