BOY Everybody is talking about
you... Dito tayo mag umpisa bakit ka naging mailap sa media?
CHARICE Ako pag may mga big issues na
lumalabas, siyempre tao pa rin ako natatakot ako. Sobrang maingat po ako na
parang di ko alam kung anong dapat kong sabihin para maging neutral lang ang
maging reaksyon ng mga tao. Kasi ayoko po na bigla na lang ako magsasalita
tapos lahat negative, binigyan ko po yung sarili ko ng break na mag-isip kung
ano ba yung dapat kong gawin, kung ano ba yung next step na kailangan kong
gawin para maging better lahat ng situation kaya po ko nakaharap po sa inyo
ngayon.
BOY Why are you breaking your
silence now? Bakit ka nagsasalita ngayon?
CHARICE Andami ko pong hininging sign,
totoo po pala yung pag nafeel mo po... Sa ilang taon ko rin po na parang
madami po akong ginawa para sa mga tao na mahal ko, sa mga pamilya ko, ginawa
ko po para sa kanila, ngayon ko po talaga nafeel na this time gusto ko naman
gawin para sa sarili ko
BOY Ito yung mga signs na iyon,
yung mga signs na pinanggalingan kung bakit magkaharap tayo ngayon
CHARICE Opo.
BOY Umpisahan natin ang pag-uusap
sa iyong pamilya... Diretsa, ikaw ba at ang iyong mommy, si Mommy Racquel
magkagalit?
CHARICE Opo nag-away kami ni mommy. Kailangan
ko po siyang intindihin kasi kung nasaktan niya man po ako, alam ko pong mas
nasaktan siya bilang isang ina. Ngayon po hindi po kami yung magkaaway
kumbaga nasa stage pa rin po kami kung saan tinatry namin pareho na
intindihin yung isa’t-isa! Pero I have to give her credit na talagang tinatry
po niya na intindihin yung sitwasyon kaya po sinasabi ko po na opo nagkaaway
po kami pero normal lang po yun.
BOY Lola mo? Kayo ba ng lola mo ay
magkagalit?
CHARICE Sa totoo lang po hindi naman
po. Alam ko po may nakita po akong interview po niya pero hindi po kami
magkaaway kasi una po sa lahat hindi pa naman kami nagkakaroon ng pagkakataon
na magkausap kami ng lola ko. Siguro po siyempre may sarili naman pong
opinyon ang lola ko at tinatanggap ko rin po yun. Kaya noong napanuod ko po
yung interview niya, naiintindihan ko naman po at hindi kami magkaaway.
BOY Sino si Robert Ybera?
CHARICE Ninong ko po siya! Marami po
akong nakita na comments niya, na sinabi niya sa media, sa mga tao. Pero tito
boy nirerespeto ko siya. Nirerespeto ko siya as a person. As my ninong.
Malaki yung utang na loob ko sa kanya honestly.
BOY Hindi ka galit sa kanya?
CHARICE Hindi ko alam kung bakit hindi
ako galit sa kanya! Kahit na isipin ko po na dapat akong magalit dahil sa mga
sinabi niya, pero hindi, nagstay po kami sa bahay niya, mga small things kasi
siya nagturo sa akin magdrive. Basta ang sa akin lang po kilala niya ako
bilang isang tao, at kilala ko po siya at nirerespeto ko siya malaki ang
utang na loob ko sa kanya.
BOY Naging usap usapan umalis ka ng
bahay may mga gumamit ng salita na naglayas ka ng bahay ito ba ay totoo?
CHARICE Naglayas… hindi ko po…
naglayas… hindi ko po alam kung anong sasabihin ko diyan. Umalis po ako nang
bahay opo. Pero alam ko po na parang alam din naman ni mommy noon, na doon
din darating sa point na yun. Umalis po ako dahil hindi ayoko na roon, umalis
ako dahil yun yung kailangan kong gawin…
BOY Charice ang tanong ng lahat
ngayon ay nasaan ka ngayon, saan ka nakatira dito sa pilipinas? Sino ang
itinuturing mong pamilya? Lalo na itong panahon na mahirap ang iyong
pinagdaraanan.
CHARICE Ngayon po nagsestay po ako dito
po sa Laguna po sa Cabuyao... Nagsestay po ako sa isang pamilya na hindi ko
po ineexpect na makikipagsapalaran din...
BOY Susugal?
CHARICE Susugal as in! would take a
bullet for me. Kaya noong birthday ko, napakaswerte ko na may mga ganong tao!
Kasi sa sitwasyon ko ngayon Tito Boy hindi ko ineexpect yung… ang hirap
magtrust! (tears up) Ang hirap maghanap ng taong ganon. Pero again hinayaan
ko ang diyos na bigyan ako ng sign bigyan ako ng kung sino ang pwedeng
tumulong sa akin. Nandito sila sa Laguna, sina mommy ina, sina daddy george,
sina kuya glen. Matagal na po kaming magkakakilala. Bata pa po ako eh kaya po
noong pagdating ko na sa bahay noong araw na yun, na-feel ko po yung
kumportable po talaga ako.
BOY dito you’re home no?
CHARICE opo. Ngayon ko po masasabi na,
na pag pumasok ako sa isang bahay pwede akong humiga, na sabihing “hay, pagod
na ako.” Pwede ko lahat gawin, pwede akong magbaliw-baliwan, pwede kong
ipakita kung sino si charice sa harap nila, nang walang manghuhusga.
BOY that’s what you call home. Ano
ang nais mong sabihin sa kanila? To your family, to your home here?
CHARICE sa pangalawang pamilya ko po,
yung pasasalamat, parang feeling ko na hindi pa po sapat yun sa mga ginawa
nila para sa akin. Isang buwan na po ako nandito pero parang years na po
akong nagsestay rito. Yun po ang pinafeel nila sa akin, gusto ko po sabihin
talaga sa harap ng maraming tao na nagpapasalamat po ako sa kanila. Sana po,
huwag sila mag-isip ng against sa kanila, kasi kung hindi po dahil sa kanila
wala po ako ngayon. Siguro po sobrang depressed ako kaya nagpapasalamat po
ako.
BOY umaasa ka ba charice na
mabibigyan kayo ng pagkakataon ng lola, ni robert at nanay mo na makapagusap
ng tahimik?
CHARICE siguro po naniniwala po ako
roon. Lagi ko naman po tinatry na isipin na positive lahat na eventually
lahat magiging okay.
BOY iba pang pinag-uusapan, may mga
haka-haka ngayon na diumano’y wala nang karera si charice. Patambay tambay na
lang sa cabuyao! Comment.
CHARICE alam niyo po yung mga tao nga
rito ang tawag na sa akin moymoy laughs
BOY bakit moymoy?
CHARICE palaboy! Laughs Parang naging
joke na po yan dito noong nalaman nila yun. Natawa na rin po ako kasi
narealize ko na ang hirap pala, pag nagtry kang magpakababa may comment pa
rin. Yung nakikita nila ako sa labas gumagala ako ganyan – ganoon po talaga
ako! I’d rather do that kesa na maging pasosyal ako na ayokong lumabas o
ayokong magpainit – nanunuod ako ng liga ng basketball dahil yan po ang hilig
ko ngayon! Yun po yung gusto kong gawin.
BOY pagusapan natin yung karera –
diumano’y wala nang karera si charice, sa mga tagahanga na gustong malaman
ang nangyayari sa iyong karera.
CHARICE sa US po si mark johnston pa
rin ang naghahandle sa akin, wala pong nagbago roon. Dito naman po sa
philippines, si glen aldueza. It’s just very nice to have yung tao na kilala
ka, alam kung gusto mo alam yung ayaw mo.
CHARICE magkakaroon po ako ng
recording, magkakaroon po ako, magrerecord ako ng isang song na magfeafeature
sa isang malaking project, siyempre po mga TV shows na lalabasan ko rin po na
hindi pa pwedeng sabihn, kung pwede lang po sasabihin ko.
BOY in other words, may mga
nangyayari sa iyong karera?
CHARICE siyempre po para naman dito sa
mga fans ko sa philipines, we’re still working on doing my third album in the
philippines, na para lang po sa kanilang lahat!
BOY basically what we’re trying to
say here is lalo para sa iyong mga tagahanga yes, my career is undercontrol,
my career is doing okay.
BOY ito na yung pinaka-aantay ng
sambayanang pilipino, ito yung pinakakontrobersyal, dito ako nagpapasalamat
dahil buong tapang at buong tiwala mo ibahahagi sa amin kung ano ang iyong
kwento. Noong lumabas ang iyong mga larawan sa social networks, maraming
tanong, maraming mga haka-haka, tungkol sa mga pagbabago ng appearance mo,
pananamit, buhok, pati na ang iyong mga kilos. Bakit nagbago ito? May mga
speculations na si charice nagrerebelde, si charice ay naghahanap ng
atensyon. What do you wanna say?
CHARICE hindi ko po alam ang ieexplain
ko kasi lahat ng ginawa ko yung nagpatattoo ako yung nagpagupit ako – lahat
po iyon choices na ginusto ko po, na alam ko pong very risky. Pero ginawa ko
po dahil yun ang gusto ko po. hindi po dahil sa nagrerebelde ako hindi po
dahil sa nasaktan ako ng isang tao or nasaktan ako ng pamilya ko or
emotionally depressed ako dahil ginawa ko yun, dahil yun po ang gusto ko.
BOY mahirap itong itanong, I don’t
know how to phrase this… only because ako’y naniniwala that you don’t owe
anybody any explanation. Naniniwala ako na walang kinalaman sa talento ang
usapin na may kinalaman sa sexual orientation at gender identity. Pero
kinakailangang itanong kaya itatanong ko... Simple lang, charice, are you a lesbian?
CHARICE tito boy meron po akong chance
na gawin po lahat ng ito internationally
BOY chance ibig sabihin itong
paguusap na ito doesn’t have to happen here in the philippines?
CHARICE pero pinili ko po rito dahil
malaki po ang utang na loob ko sa mga pilipino dahil nafeel ko na gusto kong
sila yung makaalam kung anuman po ako, kung sinuman po ako…
CHARICE Opo,
tomboy po ako. Hindi
ko po alam kung ano ang problema nun. Kasi para po sa akin wala pong problema
yun. Ngayon gusto ko pong humingi ng patawad sa mga hindi po nakaintindi, sa
mga hindi po ako matatanggap. Sorry po. Naiintindihan ko po kayo. Pero sa
lahat ng makakatanggap, matatanggap po ako maraming maraming salamat po.
CHARICE pero sa ginagawa kong ito,
gusto ko lang na sabihin sa inyo na, ang gaan ng pakiramdam ngayon. (tears
up, voice slightly breaks) na makakalabas ako ng bahay na wala akong itatago,
na wala akong masasagasaang tao! Dahil wala akong tinatago! Sorry mommy, carl
– pero ito ako. Proud ako sa sarili ko mahal ko ang sarili ko kaya ko po
ginagawa ito. Sa mga fans ko, alam ko na marami sa inyo na alam ko marami sa
inyo disappointed, alam ko nga ilan sa inyo siguro tatalikuran na ako. Sorry.
Alam niyo na sincere akong tao, from the bottom of my heart, I’m sorry.
Naiintindihan ko.
BOY charice gusto ko lamang iklaro,
nagsosorry ka not because you’re a lesbian. Nagsosorry ka lamang because?
CHARICE alam ko po na nasaktan silang
lahat.
BOY nasaktan sila na nag-out ka, at
hindi nila inexpect. At sa ating kultura, hindi ito ang normal at usual na
paraan dahil kadalasan ay itinatago para matuwa ang publiko ang fans, pero
pinili mo magsabi ng totoo, pinili mo magsabi ng totoo dahil yun ang tama. Do
you hope na isang araw, makapagtrabaho tayo sa isang bansa, sa isang mundo,
sa isang industriya na hindi tinitignan ang kasarian, kundi talento?
CHARICE naniniwala po akong someday…
darating po yan, mahirap lang ngayon. Naniniwala akong someday lahat po tayo
lalabas at magtatrabaho na pantay pantay lang. Kaya nga minsan sinasabi na
“are you gay?” “what are you straight?” pareho lang naman yun e.
BOY how do you feel? Do you feel
free?
CHARICE sobra po.
BOY ipupush ko lang nang kaunti,
now that you’ve said you are a lesbian – nagkaroon ka na ba ng mga relasyon
sa kapwa babae?
CHARICE opo naman! Siyempre po hindi ko
naman masasabi kung sino yung mga nakaraan, pero opo naman naexperience ko na
po yan.
BOY pero tago ka nang tago
CHARICE tago po! (laughs)
BOY the last time I saw you, you
were with chesa. Did you have a relationship with her?
CHARICE ah opo, hindi joke lang po
laughs. Kasi I remember na nagpost kami ng picture na ang caption ko my baby
girl, nakita namin sa timeline namin sa twitter na uy jowa jowaers! Mga
ganyan pero no po.
BOY laughs ang cute mo ngayon
nakakaganyan ka na.
CHARICE laughs si chesa po is like a
sister, like a big sister. Hindi po totoo.
BOY ito pa ang isang hinihintay ng
sambayanan – sino si alyssa quijano (X-Factor's AKA JAM member), sa buhay ni
charice?
CHARICE teka punasan ko lang muna yung pawis
ko.
CHARICE uhm… matagal na po kaming
magkakilala, nagkakilala kami 9 years old siya, 10 ako. Sa mga singing
contest po nagkakalaban kami lagi. And then nagkita po kami uli sa X Factor.
Pero ang masasabi ko lang po, siya sa buhay ko… she’s an inspiration. Isa po
siya sa pinagkukunan ko po ng lakas ngayon. She’s a very special person.
BOY mahal mo si alyssa?
CHARICE giggles. sorry! Uhm… sana
mabuksan niyo yung puso ko para makita niyo yung sagot!
BOY kung bubuksan ko yung puso mo
is it a yes or a no?
CHARICE malakas po ang tibok
BOY ah malakas lang ang tibok. Pero
ito si alyssa ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng hidwaan sina charice at
ang kaniyang pamilya?
CHARICE siguro isa na naman po yan sa
is masasabi nating expected na mangyayari...
BOY sinasabihan na siya ang
pinaggagastusan ni charice, siya ang ayaw ng pamilya.
CHARICE basta po ang masasabi ko lang
hindi naman nila kilala si alyssa! They don’t know how amazing she is, pero
alam kong naiintidihan niya.
BOY nagtanan daw kayo?
CHARICE tito boy ano ha parang masyado
akong binata!
BOY may plano ka bang magpakasal
someday?
CHARICE one day one day siyempre po
hindi ngayon pero one day!
BOY nasaan ang diyos sa buhay mo
ngayon?
CHARICE nasa puso ko po lagi, dahil isa
rin po yan na akala po siguro ng ibang tao kinalimutan ko na pero hindi po
nila alam na halos everyday iniisip ko na bahala na po kayo Lord. Alam ko
naman pong siya yung nagaguide sa akin.
BOY Ano ang dasal mo sa diyos?
CHARICE ang dasal ko po sana po
eventually po matanggap po ako ng mga tao na gusto kong matanggap ako meaning
yung family ko po!
BOY sa lahat ng ito charice ano
yung pinakamahalagang leksyon na iyong natututunan?
CHARICE sa mommy ko, kay carl... sana
po mas naging open pa ako mas naging honest pa po ako. Kasi yun po ang
pinakaimportante sa relationship ng mga magulang at mga anak na maging open
sa isa’t-isa – kahit na anong maging reaksyon ng bawat isa. Sa lahat ho ng
ibang mga kabataan diyan na kaage ko, mga tao na pinagdaraanan ito, always be
true to yourself. Alam natin sa sarili natin kung sino ka, life is too short
to play games. Just be free.
BOY muli, para sa iyong mga fans?
CHARICE chasters, ito na to! This is
it! New chapter. Welcome, welcome to my crazy life. Enjoy the ride.
BOY kung merong isang awitin that
will capture what you wanna say to the world, what is that song? Sing me that
song!
(CHARICE
sings PERFECT by PINK)
BOY What was that favorite song you
used to sing in most of the contests you used to join? Yung pinipili niyo ng
mama niyo?
CHARICE baka maiyak na naman ako!
BOY I would love to hear you sing
that song now, that you’re free!
(CHARICE
sings MAGHINTAY KA LAMANG)
BOY mahal na mahal kita charice at
salamat.
|